Thursday, February 3, 2011

My mentor, my friend

         Kamakalawa ay magaan ang aking pakiramdam. Dala marahil ito nang aking kagalakan sapagkat naibigay ko na edited copy ng aking thesis sa aming unibersidad.    

           Noong araw na iyon ay dinalaw ko ang pinagpipitaganang kong professor. Una ay para magpasalamat sa lahat ng naitulong niya sa aking aralin. Pangalawa ay para magpaumanhin sapagkat malaki-laki rin ang hirap na dinanas niya mula pa sa pagtuturo sa akin ng thesis writing hanggang sa pag-e-edit ng aking napakahabang thesis.

           Kagaya ng mga nauna, ang aming pag-uusap ng hapong iyon ay naging malawak. Naiparating ko ang hirap ko sa inaaral kong computer eng'g sa Mapua, ang plano kong hindi pagdalo sa graduation rites, at ang plano kong mangibang-bansa matapos ang aking aralin

         
           Dala marahil sa palagay na kalooban, umabot ang aming pinag-uusapan sa aking masalimuot na buhay pag-ibig. Tutol man siya sa babaeng aking minamahal, nirerespeto niya ang aking nadarama.

           Makailang beses na naantig ang aking damdamin dahil ramdam ko na hangad niya ang magandang bukas para sa akin. Mapalad ako dahil nakilala ko siya. For being my mentor and my friend, maraming-maraming salamat po Ma’am.